Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Road to Star Magic
User Image - Blocked by "Display Image" Settings. Click to show.

March 22 2014

Here it is!! Ang super duper pinaka aantay ko! Bakit ngayon ko lang ba naisip na mag enroll sa work shop ng Star Magic?!! Baka dito ma improve ang aking self confidence at maboost ang aking talent! Wahahaa ito na ang pinakahihintay ko! Pero ang dami kong pinag daanan bago ako nakapag enroll sa workshop ng Star Magic ng ABS-CBN!

first ay ang pagsakay ng LRT mag-isa! Sobrang kabado ako kung paano ako sasakay ng LRT at MRT mag-isa! Dati kasi ay nakasakay na ako pero my kasama naman ako! Pero ngayon dahil maghihiwalay kami ng kasama ko dahil iba ang pupuntahan nya kaya kelangan ko sumakay mag-isa ng LRT! Sa LRT Taft kami naghiwalay dalawa at sobrang kaba ako! Nakapunta naman ako sa kabilang side at nakakuha ng tiket dahil sinundan ko lang ang mga tao hahaha! Sa Magallanes ako bumaba tapos sakay naman ako ng MRT - Quezon Avenue! Hindi ko pa alam kung saan ako pipila kasi dalawa yung line, yun pala para sa exact payment yung pinilahan ko at hindi ko agad nabasa. Buti sakto yung binayad ko hahaa! Nakaupo agad ako at hindi masyado siksikan ang pila. Tinitingnan ko sa card ko yung sunod sunod na station na bababaan. Medyo matagal na at mga 20-30 minutes yata ako doon bago ako nakarating ng Quezon Avenue. Hindi ko pa din alam kung saan ako dadaan at sinundan ko pa din ang mga tao. Nakalabas naman ako at sabi ng kasama ko ay Tumawid lang ako sa overpass at nandun sa may Mcdo, mag tricycle na lang ako papuntang ABS-CBN. OMGee si Lee Min Ho!! Ayun sa billboard! hahaha! Ang cute talaga nya! Naku may mall show sya ngayon! Kung pwede lang ako pumunta oh minsan lang yun! Nakita ko na ang McDo at pumasok muna ako sa loob.

Nakarating ako ng mga 12 PM at kumain muna ako since lunch time naman na. Eto lang inorder ko McDo kahit gutom na ako. Kahit umorder naman ako ng masarap at madami ay hindi ako mabubusog kasi solo lang ako kakain! Malungkot kaya yun! Ang anghang pa ng gravy nila hahaha! Mga 12:30 na ay tapos na ako at pumasok muna akong CR para kuhain ko yung pambayad sa work shop. Sa sobrang takot ko na baka mawala yung pera ay nilagay ko ito sa bulsa ng short ko kaning umaga! Kaya kelangan ko kuhain yoon sa short ko kaso sarado yung my pintuan sa loob ng CR!! Inantay ko at baka my tao lang sa loob kaso wala pa din. Kaya naglakad na ako palabas.

Hindi ko alam kung saan ang daan papuntang ABS pero nakita ko itong isang building na mataas at natatandaan ko na parang yun yung Wil Tower Mall Kaya sinundan ko lang yung daan papunta doon at nakarating na ako! !Nakarating na ako dito sa ABS CBN nung 2012 dahil nag audition ako sa MYX dati. Pero hindi ko napansin itong PBB! Kaya pinicturan ko talaga! At maliit lang pala sya! Siguro eto lang yung entrance pero malaki talaga sa loob! Katabi nito ay isang Gymnasium.

Syempre nagselfie na din ako hahaa! Madadaanan ko na to palagi pag nag start na ang Work shop! Naalala ko pa dati ilang beses na ako nag audition sa PBB pero hindi man lang ako matanggap kahit sa prelimination round.

Sorry naman dahil hindi masyado madrama ang buhay ko. Hindi ko na kasalanan na hindi ako lumaki sa mahirap at broken family. Masipag at mabait lang talaga ang mga magulang ko kaya siguro hindi kami na hantong sa ganun at hindi ko pinangarap na maging ganun kami! Kaya thank you Papa God dahil kahit hindi man ganun kaunlad ang aming buhay, nakakakain naman kami ng 3 beses sa isang araw at ok na yun. Kaya pag artista na ako bibilhin ko lahat ng gusto namin hahaha!!

Sa audience entrance ako pumasok at mababait naman yung mga martial. Hindi katulad dati sa PBB na kala mo kung mga sino! Ang dami ng pila pero doon sa pila ko eh maunti lang kami, siguro mga lima lang kami. Daming bata! Hindi ko alam kung sila yung mag wwork shop or yung kasama nila. Yung iba ngang mga Mommy eh mas bongga pa ang suot kesa doon sa mga anak nila! Sana lang hindi sila pinilit ng mga magulang nila at gusto talaga nila itong gagawin nila. Ako nga wala talagang pang bayad dito sa work shop. Pinautang lang ako ng aking parents at last na daw talaga ito sabi nila haha!

Anu kaya inaantay namin. BUti na lang my TV at live ang Show Time. After 15 minutes eh pinalipat kami doon sa kabila sa may hall way sa my bakod ng garden nila. Katabi yung parang mini-church doon. Dito na talaga kami matagal pumila as in. Ang init pa. Tapos yoong nasa likod ko eh parang anak mayaman na maganda at my kausap sya. Yung sa LuV U na hastag ang role. Hindi ko alam ang name nya pero sya yun kasi nakikinig ko yung usapan nila eh haha. Pinahihiram ng dress nitong si girl yoong si artista para daw sa outfit nya sa Luv U. Parang ganun. Tinanung ako noong nasa unahan ko kung nag work shop na ba daw ako dati. Sabi ko eh hindi pa first time ko din pero nag aaudition na ako dati. Kaya daw gusto nya iwork shop ang anak nya ay para makakuha daw ng mga techniques. Sana talaga eh makakuha nga kami ng mga ganun kasi sayang naman ang binayad namin wala kami matutunan diba. After mga ilang oras yata kami nakapila doon mga 2PM na eh pinapasok na kami sa my upuan.

Salamat naman at makakaupo na kami! Dito din kami nakapila dati nung sa MYX Vj Search 2012 . Ang eksena ngayon eh dalawa yung pila ng upuan at sa kabila ay ang acting at dance workshop at dito naman sa aming ang voice workshop! Maunti lang yung pila sa voice workshop! Talagang pinili ko ay saVoice workshop since super duper like ko talagang kumanta! At super dami ng sa acting workshop. At feeling ko hindi lahat sila makukuha kasi ang dami pang pila sa labas at meron pa bukas. Buti dito sa amin kakaunti lang. Nagtetext na si ate Gen kung tapos na daw ako hala eh hindi pa nga naandar yung pila namin. Sabi nung mga marshal doon ay nag break lang daw yung mga tao kaya natagalan. Hays anu ba yan kulang ba sila sa staff at kelangan talaga mahinto? Sabagay palagi namang ganito kahit sa mga audition eh ang tagal tagal ng pila. Tapos kung tanungin ka eh wala pang 1 minute. Tapos hindi ka din matatanggap. Eh at least dito magbabayad ka na lang tanggap na hahaha!

Sobrang bored ako kaya nagmemorize na lang ako ng kanta ni Sarah Geronimo na Tayo! Kung papakantahin ako ano kaya ang kakantahin ko? Pero nakalagay naman doon ay hindi na kelangan kapag beginner class lang pero pag advance class ay kelangan mo munang kumanta para iassess ka kung pasok ka nasa advance class! Hindi na ako nag lakas loob mag advance class dahil alam ko naman pang beginner class lang ang voice ko haha! Ang dami kong bura doon sa form. At my tanung doon kung anung klaseng mga songs ang kinakanta mo at bakit. Kulang yung two lines para sa akin eh haha.

Nagtext na ulit si ate Gen at tinatanung kung tapos na daw ako kasi sya tapos na hala! 4PM na at sabi ko kapag mga 5 eh wala pa eh mauna na lang sya umuwi since alam ko naman na kung saan ako uuwi. Pero sana matapos na to before 5 para magkasabay pa din kami umuwi waaa!

Ayun buti naman at umandar na ang pila! Naexcite tuloy ako! Waw si ate eksena lang. My kasama pa syang yaya, as in naka uniform! Saan kaya sya siguro sa acting class sya kasi hindi ko sya kapila eh. Grabe langs yung mga tao dito at ang daming familiar faces! Siguro eto na yung mga taong napapanaginipan ko araw-araw. As in parang lahat na lang nakita ko na dati. Aba nag move na itong sa acting classes. Ano daw? RJ ? Kaya pala familiar yung fez nya! Sya yung sumali sa the Voice Philippines ! Acting naman sya ngayon? Wow hindi ba kamag anak nya sina Gary V bakit kelangan pa din nya pumila? Wala sigurong palakasan dito pero hindi din kasi dami kong nakita na deretso na agad sa taas hindi na pumila basta kakilala etong mga nag aasikaso ng papeles hahaha! Kahit nga sa Marshal idaan eh kitang kita naman yung mga my backer! Ganyan talaga mapa pulitikan man or showbiz mas mabilis talaga pag my backer!

Sobrang nakaka intimidate talaga ang mga nakapila sa acting classes. Buti na lang hindi ako doon kasi ang dami talagang magaganda at gwapo! Parang mga pang artista na sila kulang na lang eh experience! Merong mga agaw eksena at meron ding mga katulad ko na normal lang. Kung maka NORMAL! Yung hindi agad attention. Ansaveh??? Hahaha! Pero etong isang beki, alam kong beki sya pero muka syang girl ha! At naka suot ng pang girl! Keri naman nya my dala pa syang madaming libro? Hindi pa tapos finals nyo teh? Para syang nag rreview at may dala pang calculator! Scholar siguro si ati.

Ayan na kami na ang kasunod! Aakyat na kami sa taas! Yun lang hindi kami lahat kasya sa elevator! Overweight kami hahaa! Kaya nalipat yung iba sa kabila. Wooo aircon pala dito ang lamig lamig. My mga upuan pa din dito at feeling ko sila ay sa acting kasi ang dami nila. Merong room para sa Chubbuck technique. Tapos ang VOICE ROOM! YEEEEEEEEE! Naexcite naman ako! Dito yata kami!

Pinaupo muna kami at tinanung nung iba kung anu pinagkaiba ng basic class sa advance class. Yung basic daw para sa mga hindi pa masyado marunong at ang advance naman eh para sa mga madami ng experience sa pagkanta. Eh ano ba experience ko? Madami na akong experience sa videoke pero sa mga kantahan sa madaming audience parang wala?? Ay nung audition lang! At sobrang kinakabahan ako at hindi ko malabas yung boses ko talaga pag ganun kaya gusto ko matuto para sa susunod kong audition ay mas relax na ako ng bongga!

Maya maya ay tinawag na kaming mga teens and adults sa loob. Kinausap kami ni teacher Nice kung my balak sa aming mag advance class. At ayun inexplain nya ulit yung pinag kaiba nga nila kaya yung tatlo sa amin ay lumayas na at mag aaudition sila para sa advance class. Yung nasa likod ko kanina na mayamaning girl ay kakilala si teacher Nice at siguro ay my kamag anak talaga syang artista kasi tinanung yung Kuya nya na si Christian daw? Baka Christian Bautisita? OMGee! Ah ewan malalaman ko din yan!

Ayun nga dalawa na lang kami naiwan para sa basic class! At binigyan kami ng schedule. Kami na ang huling members ng 3PM class. At nakipag chikahan na sa akin si Ying. Parehas na parehas kami mahilig kumanta sa banyo haha! At parehas din kami ng course! Naku buti na lang talaga at kami yung nagkasama kasi nakita ko yung age ng mga kasama namin at ako ang pinaka bata! Sa kabaliktaran ! Naku maging advantage or disadvantage ko kaya ang age ko?? Hindi naman halata eh hahahaha! Kelangan muka ako laging fresh para hindi ako mapag iwanan!

Ayun lumayas na ako ng mga 4:30!! YEHEY!! OFFICIALLY ENROLLED NA AKO SA VOICE WORKSHOP NG ABS CBN STAR MAGIC!!! Yipeeeee!! Super duper excited na ako sa APril 21! Pero paano na ang pagpunta at pagbalik ko sa Cavite kasi doon ako manggagaling. Another task nanaman ang aking haharapin kung saan at paano ako sasakyan! At least pag nakita ko na ang LRT MRT station alam ko na hahaa!!

Dito na magsisimula ang lahat. Sa loob ng halos 8 years kong pag sali sali ng mga audition. From Let's Go to Pinoy Big Brother to Pringles U Pop to Pilipinas Got Talent to MYX Vj Search to The Voice Philippines. Eto na ang desperate move ko maging kapamilya! Kung ayaw nyo kong tanggapin, babayaran ko na lang kayo! Wahaha!! Pero seryoso, sana dito na talaga magsimula ang lahat ng pangarap ko, Artista? Model? Singer? Dancer? Lahat na! This 2014 I'll do everything what it takes for me to become the next super duper star of the Philippines! Woooo!! Todo na to! Icclain ko na isa na akong tunay na Kapamilya! emotion_bigheart emotion_bigheart emotion_bigheart


click here to see all the photos of my journey~





 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum