Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Selo. Napasubsob si Tata Selo pagakaraang siya’y maiupo. Ngunit nang marinig niyang muling ipinapakaw ang pintong bakal ng istaked, humihilahod na ginapang niya ang rehas, mahigpit na humawak doon at habang nakadapa’y ilang sandali ring iyo’y tila huhutukin. Matagal siyang nakadapa bago niya narinig na may tila tumawag sa kanya. Yon ang batang naniniwala sa kanya. Kinausap niya ang bata at sinasabing, lahat ay kinuha na sa kanila.
Kinabukasan, nang magdakong alas-dos, dumating ang anak ni Tata Selo. Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na humagulgol. Pilit itong pinauwi ni Tata Selo.
Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo, nagkalat ang papel na naiwan nang nagdaang araw. Sa sementong lapag ng istaked ay nkasalampak si Tata Selo habang kinakausap siya ng alkalde nab aka sa kabisera siya ikulong at habang buhay na pagkabilanggo ang ihahatol. May mga tao na namang dumarating sa munisipyo na kakaunti kaysa kahapon. Hanggang ngayon, bawat isa’y nagtataka, hindi makapaniwala, gayong kalat na ang balitang ililibing kinahapunan ang kabesa. Nagtataka at hindi nakapaniwalang nakatingin sila kay Tata Selo na tila isang di pangkaraniwang hayop na itinatanghal.
Nang sumapit ang alas-dose ay umalis ang alkalde upang mananghalian. Naiwan si Tata Selo, kasama ang hepe at dalawang pulis. Siya ay sinapok at kinadyutan ng hepe dahil sa nalaman, palibhasa ay ang kabesa ang nagrekomenda sa kanya.
Dinala si Tata Selo sa tanggapan ng alkalde. Sa tanggapan ay tinanong siya tungkol sa tunay na nangyari. Binabawi ng kabesa ang kanyang ani, ayaw niyang umalis doon dahil dating sa kanila ang lupain ngunit naisangla at naembargo dahil nagkasakit ang kanyang asawa. Pinaggigiitan niya na hindi makatiwaran ang pagpapalis sa kanya at siya’y pinagtutungkod ng kabesa. Doon ay din a siya nakapag pigil at tinaga ang kabesa.
Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-aalas-onse na nang dumating ito, kasama ang hepe ng mga pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa. Abut-abot ang busina ng diyip na kinasasakyan ng dalawa upang mahawi ang hanggang noo’y di pa nag-aalisang tao. Tumigil ang diyip sa di-kalayaun sa istaked. “Patay po ba? Saan po ang taga?”,ito ang pilit na tanong ng mga tao. Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpapawisang tao. Itinaas ng may-katabang alkalde ang dalawang kamay upang payapain ang pagkakaingay. Nanulak ang malaking hepe.
Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang magbubukid na na nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang magbubukid, o anak-magbubukid, na maniniwala sa kanya.
Maliit lamang sa simula ang kulumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit nang tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano ni Tata Selo ay napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan. Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan, nagtutulakan, bawat isa’y naghahangad makalapit sa istaked upang tanungin si Tata Selo.
mula yan sa baba^^di ko na na edit^^ok na yan..
edit mo na lng^^
Manage Your Items
- Avatardress up & check your inventory
- Avatar Builderbuild your dream avatar
- Aquariumcreate the perfect fish tank
- Carcustomize your ride for rally
- Housedecorate your gaia house
- Personas (beta)build your Persona
- Sign Up for Gaia News Weeklyproduced by Gaia art community for all Gaia users
Other Stuff
- Mailcheck your private messages
- Friendsconnect with your friends
- Profileedit your profile page
- Journalsyour personal journal/blog
- Achievementssee what you've accomplished
- Account Settingsadjust your preferences
- Gaia Labssee what we're cookin'
- Favoritessee your collections
- Marriageget Married!
- Vlogsee our vlog and Gaians latest creations!